Archive for September, 2006

24
Sep

Walang Tulugan!

Setembro 17 – 23

Walang Tulugan!

Soundtrack of the Week

  1. Fotografías [JUANES & FURTADO]
  2. Crazy for You [SPONGECOLA]
  3. Going Under [EVANESCENCE]
  4. Nandito Lang Ako [SHAMROCK]
  5. Bituing Walang Ningning [GERONIMO]

Movie of the Week: Red Eye

  • For the second time around it did not disappoint.
  • Pure suspense-thriller without the I Know What You Did Last Summer back story shit that makes slasher flicks unnecessarily complicated.
  • Kawawa si Cillian Murphy dito, sinaksak ng ballpen sa leeg, pinatid ng bag, pinatid ng silya, binato ng fire extinguisher, sinaksak ng takong ng sapatos sa hita, binato ng flower vase, pinaghahahampas ng stick, binaril.
  • Habulan lang yung buong film, as in naghabulan lang sila.
  • Ang laki ng mga mata ni Cynthia, ang kulit pa tumakbo at magsalita.
  • Not to be confused with the Korean horror-flick of the same title.
  • Ok ang buildup ng plot, lalo na nung umamin na yung stalker (Murphy).
  • Better than Flightplan in terms of the suspense-thriller factor, mas exciting ito, keeps the adrenaline pumping.
  • So far ok ang mga roles na napupunta kay Rachel McAdams, from introducing role (The Hot Chick) – teenybopper (Mean Girls) – light drama (The Notebook) – damsel in distress (Red Eye).

Moron of the Week: Myself

Shet ang pathetic. Two weeks in a row! Hanep talaga ako… Wala lang, I just hate myself lately, teka muna, which self? Hahaha. Ewan ko ba. One of those weeks when you feel like flipping through the pages of a Harry Potter book and hope you get absorbed in it. Must be the hell week, must be me, really don’t know. Nakakainis kasi hindi ko nagagawa ang mga kailangan kong gawin, mga self-imposed daily activities na pwede ko namang hindi gawin pero inoobliga ko ang sarili ko na gawin tulad nung stupid Spanish Vocabulary enhancement na yun. I don’t know if it’s an issue of self-discipline o talagang nao overwhelm lang ako dahil sa sobrang pressure na kinakarga ko sa sarili ko. Lechísimo. Grrr…

En el infierno enterita enterita me voy a quemar… AMEN.

Ability of the Week: Cramming

I hereby bestow upon you, the indispensable ability of Cramming. Would you believe that I finished a 15-page term paper overnight? And it wasn’t a so-so paper. It was substantial enough to make the cut. I did it in 6 hours with 2 reference books in front of me. Minsan talaga kailangan mo lang i-hone ang cramming skills mo. It comes in handy lalo na pag crunch time na. Pakonswelo pa, tatlo lang ang papers na tinanggap kasama yung akin kasi yung iba di pumasa sa standards ng prof. Walang tulugan for one week, now I’m free! Hallelujah!

Politics: A coup d’état in Bagkok unseats PM Thaksin Shinawatra while the latter watches helplessly in New York. Martial law is declared in Thailand and coincides with Philippine commemoration of the same event during Marcos regime. Venezuelan president Hugo Chavez delivers speech in UN council calling for the reestablishment of UN, branding US president Bush as the “devil.”

Showbiz: You Are the One defends box office crown for third consecutive week, passes one hundred million peso mark. Juno kills Eloida, siyempre affected naman ako pero di ako pwede magalit kay Juno. Eloida, being the eternal engot that she was, deserved it. Majika spends last week starting Monday, Bituing Walang Ningning last two weeks. Atlantika starts October 2.

Weather: Hindi naman masyado nag uuulan this week. Actually there was a day or two na sobrang tirik ang araw. Medyo nang iinis lang ang panahon lalo na sa Quezon City kasi pag palabas ka na ng classroom for your last class, tyaka uulan ng malakas na malakas kaya masa stranded ka for a couple of minutes na nakakainis dahil gusto mo na umuwi at pagod ka na.

Books: Nabasa ko yung The Magician and his Nephew last week. Ang ikli! 100+ pages lang! Anyway naaliw naman ako kay Jadis, nambabatok ng lamp post! Astig… Naiilang ako kay Aslan, bakit kaya lion ang naisip ni C.S. Lewis? Tapos yung next book pala yung ginawang movie, the ever popular The Lion, the Witch and the Wardrobe. Gusto ko rin magsulat ng novel for kids! Wahhh!

Languages: Break time from independent language learning activities due to heavy workload in academic requirements. Passed Español 13 written exam with flying colors, at neon pa ang colors! Nyek. Learned more about imperative mood in Italiano 13. Reviewed different versions of conditional in Español 15. Revised language learning plans for the months to come.

Academics: Dalawang malaking tinik, tanggal sa lalamunan: Report in Pol Sci 160 successfully delivered, lengthy History paper finally submitted. Preparation for final examinations in full swing. Napauwi ang utak (kinaladkad mula Cancún pabalik ng Manila) at nakumbinseng mag overtime for at least one more week. Math 17: adios Algebra, hello Trigonometry, sa wakas! Level up!

Future: Got accepted as registration assistant for second semester. Contentment is felt since arranging schedule would be less of a burden. Plans for three-week sem break which doesn’t appear to be one is arranged with daily routine including: English/Spanish/Italian grammar review, Heywood review, French/Latin introductory self-study courses. Bakasyon ba ‘to? Gago ka ihcahieh.

Surroundings: Ang pag iinitan ko ngayon e yung MRT. Bakit merong mga tao na sadyang kupadgenic tapos gusto pa nilang humaharang sa gitna? Di ba kung alam mo naman na mabagal ka pwede ka naman mag adjust at tumabi para makapaglakad ng mapayapa yung mga mabibilis na tao? Basta nakakainis. Magpapatayo na nga lang ako ng sarili kong MRT. Gastos na naman ito…

17
Sep

Nang Naunang Mag Sem Break Ang Utak

Setembro 10 – 16

Nang Naunang Mag Sem Break Ang Utak

Soundtrack of the Week

  1. Dime [PAUSINI & PARTNER]
  2. Bituing Walang Ningning [GERONIMO]
  3. Si Volvieras a Mí [GROBAN]
  4. Déjà Vu [BEYONCÉ]
  5. Maging Sino Ka Man [SANTOS]

Movie of the Week: You Are the One

  • Ang kulit nung epilogue sa Jollibee.
  • Puro bading na lang ang role ni Gio Alvarez.
  • Ok sa drama si Toni but there’s something about her that sends off a signal na parang hindi siya pwedeng drama lang, laging may comedy dapat.
  • LSS ako sa Can’t Take My Eyes Off You ni Milby pero last week pa yun.
  • The best yung sequence na hinahanap ni Simang si Douglas sa PC.
  • Ayaw pala ni Toni ng kissing scenes kaya wala siyang kissing scene dito na kissing scene talaga.
  • Nakakaaliw yung song and dance portion. Kahit reminiscent siya of the teenybopper films nung 80’s na may song and dance number sa beach, naaliw pa rin ako. Para ngang gusto ko sumayaw sa sinehan e.
  • Anong language yung sinalita ni Vernard speaking to the girl with whom he had a one-night stand? Arabic ba yun or Slavic?
  • Ok si Jodi Sta. Maria dito, dapat laging ganun ang ayos niya. Ayos din yung confrontation scene nilang magkapatid, well-executed.

Moron of the Week: Myself

Ayan naman natupad na ang pangarap ko na maging Moron of the Week. I’m so honored at ako ang napili this week dahil wala nang mas moron pa sa akin kundi ako! Bwahahaha. Una, nag sem break na ang utak ko. Pangalawa, dalawang beses na akong natawag na “Miss” this week, isa sa Jollibee tapos yung isa sa skwela ata. Ayoko naman magpagupit kasi pag nagpagupit ako magmumukha akong zombie. Pag nagpakalbo naman ako magmumukha akong addict. Poprobelamahin ko pa ba ito ngayong nag sem break na nga ang utak ko at kailangan ko pang kumbinsihin bumalik dahil may isa pa siyang final paper na iniwan? So ano na ngayon, “Miss”, “Zombie” o “Addict”? Sagwa ng choices…

En el infierno enterita enterita me voy a quemar.

Person of the Week: Lola Remy

No, not that one. As for the title, for lack of better term. Change title na lang every week. Wala naman talagang nagawa sa akin na sobrang worth of praise pero gusto ko lang siya i feature dito. Siya yung xerox lady sa may Filipiniana section ng library. Nakakaaliw siya. Talagang colored bond paper pa ang ginagamit niya w/o extra charge. Nakakita ako ng clip ng column ni Patricia Evangelista sa wall about her (xerox lady). Nakakaaliw ang buhay niya ha kahit mini life story lang nagawa ni Patricia. Sana bisitahin siya ng students minsan.

Politics/Religion: Ano bang meron? Ang nabalitaan ko lang e napuna daw ata si PGMA ng mga taga EU tungkol sa political killings? As for UP ang huling invitation for rally e tungkol pa rin sa tuition fee increase. Singitan na natin ng religion, napag initan ata si Pope ng Muslim community, may nasabi kasi siyang against sa Islam. Sana naman magka ayos ayos na sila.

Showbiz: Buntis daw si Kris. Ano ba naman, hindi pa ko nakakasali sa GAME KNB! Di bale dapat matawagan ako bago siya manganak kundi baka mag leave na yun. Kailangan ko ma experience ang GAME KNB! Hindi pwedeng hindi! Ang taba ni Rosanna Roces, nagulat nga ako e pero ang cute niya. You Are the One defends box office crown. Eternity is added to the Movies-that-flopped list.

Sports: Nakapag lead climbing na naman ako, yun yung wall climbing na itatali mo ang sarili mo, walang belay machine. Nakaabot naman ako sa tuktok. Nami miss ko na ang Call-Me-Peter-With-Matching-Black-Spiderman-Shirt days. Mas agresibo kasi ako umakyat nun e, puno ng angst, sige lang ng sige. Ngayon ewan ko ba. Spidey lost his web, too bad. Tara scrabble na lang! Hahaha.

Culture: Naglabas na ng poster sa internet ang Atlantika. Astig, yun lang ang masasabi ko. Final Fantasy ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko ang poster. Sana kasing ganda ng Encantadia, ito yung mga tipo ng shows na pwede mo ipagmalaki abroad in a way kahit medyo lumalayo na siya sa traditional view of Filipino culture. Siguro yan na ang bagong kulturang Pinoy.

Languages: Disaster. Nagkalat lang naman ako sa Italian Oral exam. Grabe hiyang hiya ako kay Prof. Ang problema pa naman super bait ng Prof namin. “Va bene” lang siya ng “Va bene” kaya hiyang hiya talaga ako sobra, kulang na lang tumalon ako sa bintana. Mukhang pang written na lang talaga ang Italian proficiency ko, oral bokya. Huhuhu, damn vocabs.

Academics: Master crammer is in the house again. Bwahahaha. Naiinis na ako sa sarili ko ha. Ang hirap pala pag nagpaunang mag sem break ang utak. Iwan ba ako sa ere. Para tuloy akong comatose ngayon in terms of academics. Hay nako, hell week na. Di bale twice a year lang naman dumarating ito, pagtiyagaan na. Kaya natin ito, hehehe. Nervous breakdown…

Future: I’m not aiming for a 33 unit workload anymore for next semester. Binabaan ko na ng 27 units. I’ve decided to drop my plans na mag sit-in sa Portuguese. Italian na lang ang itutuloy ko. Sana ma approve ang application for RA para no problem sa schedule. If ever ang load ko would be double Econ (100.1+100.2), triple Pol Sci, GE MST and PI 100. MTThF 8:30 – 4:00. =)

Surroundings: Masyado namang malakas ang tubig ngayon, e naputol pa yung gripo! Hahaha, ang labas ngayon para akong rallyistang binobomba ng bumbero sa Mendiola sa sobrang lakas ng pressure ng tubig ngayon. May nakasabay akong matandang babaeng KSP sa jeep. Sabihan ba naman ako ng “Ang luwag luwag naman kasi sa likod e!” Ok ka lang? Linya ko kaya yan! Pasalamat ka lola ka na…

10
Sep

And I Thought Taekwondo Was Korean

 

Setembro 1 – 9

And I Thought Taekwondo Was Korean

Soundtrack of the Week

  1. Bituing Walang Ningning [GERONIMO]
  2. Cinema Paradiso (Se) [GROBAN]
  3. Si Volvieras a Mí [GROBAN]
  4. Can’t Take My Eyes Off You [MILBY]
  5. Sway [PCD]

Movie of the Week: The Devil Wears Prada

  • The book sucks. The movie rocks.
  • Give Meryl Streep another Oscar, she deserves it.
  • Pwede ring Miranda Priestly si Glenn Close, kaso Cruella de Ville na siya di ba? Face off, face off!
  • Wala pa ring kupas si Anne Hathaway kaso na typecast na siya sa mga Ugly Duckling - Swan roles.
  • Astig yung monologue ni Miranda about Cerulean blue.
  • Wala yung “fuck you Miranda” scene na climax sa book.
  • Certified box office na, lampas $120M na sa NABO.
  • Nakakatawa yung “I hired the smart fat girl” scene, mangiyak ngiyak pa sa Andy, mataba na pala ang tingin sa kanya sa lagay na yun, hehehe.
  • Ang daming dinagdag na wala sa book, ang dami ding kulang na scenes from the book, but then again who cares, the book sucks nga e.
  • Kamukha daw ni Emily Blunt si Tuesday Vargas.

Moron of the Week: My Personal Computer

Nagpapasalamat ako sa PC ko at siya ang napili na Moron of the Week, ako kasi dapat e kaso hindi ba medyo ang pathetic nun? Sarili ko agad ang Moron of the Week for the New Year. Anyway, sa lahat ng mga taong mahilig gumawa ng Computer Virus, sana magka ebola kayong mga anak ng pechay Baguio kayo. Pero ok lang, naiintindihan ko naman na trabaho niyo yun di ba, ano ba naman ang karapatan kong mag reklamo. E kaso sino ba naman ang hindi matutuyuan ng dugo kapag may virus na nga ang PC mo gusto mo mag reformat tapos ayaw pa gumana ng CD drive, ayaw basahin yung Windows XP CD dahil nag iinarte siya. Mag tag team ba para sirain ang araw ko? Lechísimo.

En el infierno enterita enterita os vais a quemar.

Hero of the Week: Math 17 Prof

Ang awkward nung “Hero” na term no? E wala kasi akong maisip e, di bale palitan na lang next week pag nakaisip ng mas appropriate. Anyway, Math sucks, I hate Math but I don’t hate the Prof and my classmates dahil masaya naman ang klase. E kaso hindi naman sila ang dahilan kung bakit ka pumapasok sa klase di ba kundi yung subject. Hay nako. Nagpapasalamat na lang ako at hindi Power Ranger o Voltes V si Prof dahil kung hindi, baka matagal na akong nag huramentado sa klase niya. Salamat Prof dahil mabusisi ka mag check at talagang concerned ka sa mga estudyante. Happy Birthday nga pala.

Politics: Ngayon ko lang nabasa ang mga naisulat tungkol sa sabi ni Gonzales that “UP breeds destabilizers.” I particularly liked Patricia Evangelista’s rebuttal, galing. Agree ako sa kanya, dapat siguro mag enroll si justice secretary ng crash course sa Philo 11 para maliwanagan naman siya mag isip, at mage enroll naman kami sa Catechism classes sa UST para maging well-behaved kami. Yeah right.

Showbiz: Nag tie na ang ratings ng Super Inggo at Majika. Tumaas ang ratings ng I Luv NY kasi patapos na. Natutulog pa rin sa pansitan ang Pinoy Dream Academy, kill that show for heaven’s sake. Nakaka $400M+ na ang POTC: Dead Man’s Chest sa NABO, natalo na niya ang Spiderman at malapit na siya sa Star Wars Episode 1: The Phantom Menace. May bagong Pantene commercial si Kris.

Weather: Maaliwalas pag alis mo sa umaga tapos pag pauwi ka na bumabagyo. Weather’s a bitch talaga, hindi mo makuha ang timpla. Minsan tuloy magdadala ka ng payong tapos hindi uulan, pabigat pa tuloy yung payong, e pang beach pa naman na payong ang dala ko. Tapos pag di ka nagdala ng payong uulan. Tapos baha pa ang mga kalye, di ba pwede ayusin ang mga drainage dito sa Pilipinas?

Culture: Noche Latina was held In Ateneo last Friday, 6 PM to 9 PM. Dun ko nalaman na connected pala sa Latin American culture ang taekwondo, kaya pala nung nag demo na ang Philippine National Taekwondo team e nagsiuwian na yung mga ambassadors ng mga Latin American countries. Astig yung flamenco dance, parang gusto nilang sirain yung stage sa kakapadyak.

Languages: Tinatamad na ako sa language classes. Naka memorize ako ng 80 Spanish verbs for the week, 8 themes sa DK Visual Dictionary. Nabawasan ako ng 5 stars dahil sa surprise assignment, surprise! 0 pa rin ang vocabs ko sa Italian. Marunong na ako mag “Como e que se chama?” at “Que horas são?” sa Portuguese. Ang dami kong nakitang language scholarship grants sa Internet.

Academics: Bored na ako sa mga subjects ko. Tinatamad ako magbasa ng readings. Pumasa ako sa third long exam sa Math 17, 8 point surplus – take note. Absent ako one time sa Kas 110 kasi nanood ako ng sine, bwahaha! Wala kaming napanalunang award sa Filipino 40, boring pa rin as usual, hehehe. Second round of reports na next week.

Future: May nakita akong MA International Relations scholarship grant sa website ng Spanish embassy, sa Escuela Diplomática de Madrid. Applications are open for exchange student sa Korea, mag a apply ba ako? E kung matanggap ako e di dilemma na naman, sige ihcahieh gumawa ka na naman ng problema. As usual nagbabago on a daily basis pa rin ang future plans.

Surroundings: Ang cute nung aso sa tapat kaso ang baho niya. Nagkaroon na kami ng regular water supply sa wakas, am I not happy? Dalawang elevators pa rin lang ang gumagana, damn it. Pumutok ang mga bumbilya pero napalitan ko na. Kupadgenic to the nth level pa rin ang mga tao sa MRT. Ang baho ng basura pag dumadaan ang jeep sa QC Circle, hoy ayusin niyo yan.