Fevereiro 11– 17
Lapain Sana Kayo ni Dracula
Soundtrack of the Week
- Irreplaceable [BEYONCé]
- Ju Hua Tai [CHOU]
- Satellite [SANTANA/MORENO]
- My Eyes Adored You [MILBY/GONZAGA]
- Cannonball [RICE]
Movie of the Week: When a Stranger Calls
- Girl
is grounded, sent to babysit in an amazing techie house as punishment.
Starts receiving non-sense calls which turns into areal threat. - One
of those “wala-lang” movies na wala lang. May nagkataon lang na may
gustong mang trip dun sa bahay na serial ek-ek tapos nagkataon na
nandun yung babysitter. In short di ganun ka intricate yung story. Para
Red Eye, as in habulan lang. Parang ganun. - Ok naman yung acting kahit na medyo kulang yung acting ng bida. Yung psycho hindi naman nakakatakot.
- Kung
may dapat pansinin sa palabas na ito, yung bahay yun. Hanep yung bahay
ang ganda. Yung garden sa gitna hanep. Ang laki nung bahay. Automatic
ang mga ilaw. Napaka high-tech! - Hindi ako masyadong nagulat sa movie na ito. Pwede na sigurong ipasa as suspense pero hindi ganun ka thrilling.
- Worthy
na panoorin sa DVD LANG. Kung sa sinehan mo pinanood tapos may iba
namang palabas na mas matino, yun dapat ang pinanood mo. - Wala na akong ma comment. Boring, lol.
Feature: Summer Language Classes Abroad
Take
note that Accommodation might mean just the room, meaning you would
still have to shed like Php30,000 for 1 month cost of living allowance,
plane ticket to get to Europe is around Php80,000 via Singapore
Airlines…
Spanish: Universidad de Salamanca (JULY/AUGUST – 4 WEEKS)
TUITION FEE: 745 Euros (Php44,700)
ACCOMMODATION: 620 Euros (Php37,200)
Portuguese: Universidade de Lisboa (JULY/AUG/SEPT – 4 WEEKS)
TUITION FEE: 530 Euros (Php31,800)
ACCOMMODATION: 600 Euros (Php36,000)
Korean: Korea University (JULY – 4 WEEKS)
TUITION FEE: 1,130,000 Won (Php62,500)
ACCOMMODATION: 420,000 Won (Php22,500)
Russian: Lomonosov Moscow State University (JULY/AUG – 4 WEEKS)
TUITION FEE: $600 (Php30,000)
ACCOMMODATION: $200 (Php10,000)
Italian: Universita di Bologna (JULY – 4 WEEKS)
TUITION FEE: 500 Euros (Php30,000)
ACCOMMODATION: 300 Euros (Php18,000)
The Historian: Natapos
ko na sa wakas. Maganda naman yung book kahit mahaba, hindi mo talaga
maisasara yung libro, exciting. Ang reklamo ko lang, I didn’t like the
way Kostova presented Dracula. Hindi ko rin nagustuhan yung climax!
Merong “WTF Yun na yun?!” factor. Pero each of the 800+ pages is worth
reading naman. Ganda rin kasi East Europe kadalasan ang setting, galing!
Political Ads: Eleksyon
na at oras na para purgahin tayo ng political ads! Corny ang mga ads at
dun mo lang makikita na nagpapa mukhang tanga ang mga politiko para
makaupo sa senado. Magtanim daw tayo ng “pichay” sa senado kasi
pangarap daw niya ang mga pangarap natin, empathic! Pangarap ko mang
holdup ng banko bukas e, matawagan nga itong kumag na ‘to. Yung isa
naman feeling niya endorser siya ng toothpaste, “Talikod! Harap pero
mukha lang! Smile! Ipakita ang retainers!” Yun namang dancer na kapatid
nung nasa 500 peso bill kukuha lang ng batang dapat malnourished at di
makapasok sa eskwela ang role e malusog pa ang kinuha, di tuloy kapani
paniwala. Hindi ko rin alam na sideline na pala ni Kris Aquino gumawa
ng election campaign catchphrase ngayon: PAG BAD KA, LAGOT KA! Yung isa
naman hindi ko maubos maisip: For the past few weeks buhos ang
endorsements ng mag anak niya. Lumabas si Mommy sa isang pancit canton
ad. Lumabas si panganay sa isang feminine wash ad. Lumabas si middle
child sa ad ng isang fastfood. Lumabas si bunso sa ad ng isang gamot
pang lagnat. Tapos lumabas ulit si panganay sa isang ad ng mobile phone
service provider. Di ko tuloy maubos maisip, yung binayad kaya sa mag
iina nung kandidato ang pinangbayad niya sa political ad niya?
Nagtatanong lang po. Yung isa naman tinuruan daw siya ng mga magulang
niya na pumagitna sa mga dancers na wala namang kinalaman sa senado
habang nag aagawan ng pwesto yung asawa at kapatid niya sa probinsiya
nila. Yung isa naman siya lang daw ang tanging pag asa, tanging siya
lang; kung di ka pa sana balimbing at ambisyosa, hehehe. Sana ginamit
na lang sa ibang bagay yung panggawa nila ng wa-kwents na commercials.
Dracula, I have victims for you…
Future: Relapse
ng pagiging OC. Mukhang ang plano ngayon is to really work two years
after graduation habang kumukuha ng diploma para tuluy tuloy ang
learning, sa DLSU na lang siguro para mabilis, siguro Diploma in
Computer Studies para mapakinabangan. Embassy work then one whole year
of language learning abroad after, scholarships and self-funded.
Kailangan mag ipon…
Work: Umiiwas
na ako sa phones lately, mas nakakapagod kasi after work kapag sa
phones nailalagay. Nagko concentrate na lang ako sa chats, dun naman
talaga ako dapat kasi mabilis ako mag type at ako lang ata ang nagtiya
tiyaga sa chats, lol. Improve ko muna ang accent ko para mas maging
effective pero pag kailangan talaga wala na akong magagawa. Boring as
usual… Weekend marker.