Pioneered by Jealousy, Driven by Obsession
Soundtrack of the Week ß Beyoncé tigilan mo na ako edition
- Imprescindible [BEYONCé]
- I’m a Bitch, I’m a Lover [CROW]
- Irreplaceable [BEYONCé]
- Helena [MCR]
- Listen [BEYONCé]
Movie of the Week: Wag Kang Lilingon
- Ito
lang ata ang horror film na imbes mapasigaw ka sa takot e mapapasigaw
ka ng “Shet ang panget naming multo nito!” Ano ba naman, sana naman
kumuha kayo ng multong may itsura. Yung isang multo mukhang may
hydrocephalus na hindi maintindihan. Yung multo sa salamin mukhang
labandera. Utang na loob… - Gaya gaya sa Hide and Seek
yung story ni Anne Curtis, yun nga lang hindi napantayan. Pati yung
oras na 3 AM, sa Hide and Seek ata 2 AM e. - Maganda naman at nag work kahit paano yung attempt na pagkonektahin yung dalawang stories, pwede na.
- Lagi na lang kontrabida si Mang Oca, mukha ba siya talagang mamamatay tao? Bigyan niyo naman ng ibang role.
- Corny pa rin umarte si Kristine, nilamon ng buo ni Anne.
- Hindi
nakakatakot yung movie, parang trying hard pa nga ang dating sa akin
pero ok naman yung story, mapapaisip ka kahit paano. Medyo di na nga
lang ako nag isip kasi alam ko na yung twist bago ko pinanood. - Panoorin niyo kung may oras kayo pero kung wala wag na ninyo pag aksayahan kasi mabi bwiset lang kayo, lol.
Jealousy as an Anchor:
Wala lang kasi have you ever used jealousy as a motivation to pursue
something? Ako kasi oo. Two scenarios: when a cousin started learning a
foreign language I started learning as well; when a classmate started
looking for a part-time job in a call center I started looking as well.
What started as what I maliciously perceive as “competition” then
became an obsession. Not that it has any bad effects in my life, in
fact it has been beneficial for me. I am learning languages now and
working part-time, earning while working on having a degree. In short
benefit pa nga. The question is it is right to use jealousy or
competition to initiate something. Ang sagot ko dito is YES. Siguro
context-dependent siya (natutunan sa 178, hahaha) para kasi sa mga
taong kagaya ko na araw araw e nagbabago ang goals in life, maybe it is
effective to do so. Since I have no stable goals in life maybe this
could be the key to help me shape the policies (naks naman
formal-formalan, o sige GOALS na lang) that I have to apply in life.
Syempre may limitations din naman. One can’t depend on competition
alone and also the thought lingers, sino ang kukumpetensiyahin mo? Kung
lahat ng tao kukumpetensiyahin mo walang mangyayari sa iyo. Conclusion:
use it for primary motivation but not for sustaining your goals. Swak
na swak for people like me. WARNING: may not be applicable to others.
Academics: Natapos
na ang classes nung Friday. Grabe ang bilis ng araw! Medyo ma drama
yung ending ng Wednesday class namin about Southeast Asia. May kaklase
pa nga ako na napaluha. Kahit na madugo ang report sa class na yun
masasabi ko na favorite ko talaga yun for this semester and the
experience, walang kapantay. Di ako nagsisisi na kinuha ko yung
subject. Huhuhu.
Work: Wala
lang, kasi may mga tao na nagki criticize sa mga nagtatrabaho sa call
center. Ang tanong ko naman, bakit? Alam niyo sa buhay na ito we only
need a JOB to survive. CAREER is needed just for the sake of
contentment. So para sa mga taong kagaya ko na walang urgent ambition
to be happy, kuntento na kami dito no so fuck off na lang ang mga
impokritong akala mo kung sino mga magsi isip. Ano bang pakialam ninyo.
I could say that this job is stable naman. I only have half the work
load of a full time English speaking agent but I earn as much as they
do. In fact kung gugustuhin ko pwede na nga lang ako mag aral forever
and work part-time here, makaka survive pa rin naman ako. Para sa mga
taong di nakakaintindi, isipin niyo na lang na swerte kayo na di kayo
call center agent kung talagang ganyan katataas ang tingin niyo sa mga
sarili ninyo. And for the very last time ie explain ko kung bakit ako
nagtatrabaho dito. Una sa lahat hindi ko kailangan magtrabaho dahil
sustentado ako ng mga magulang ko, dun pa lang dapat naiisip na ng tao
na may ibang dahilan bukod sa pera. This call center is the only one I
know that has Brazilian Portuguese accounts, sa iba wala. On the other
hand while languages such as Spanish, French, German and Italian have
their own institutes here in the Philippines (Instituto Cervantes,
Alliance Française, Goethe Institut and Societa Dante Alighieri,
respectively) ang Portuguese wala. Ang pinakamalapit na Intituto Camões
ay nasa Jakarta, so what do you suggest sa Indonesia na ako tumira? I
could enroll myself in the institutions mentioned pero for Portuguese
wala. UPD lang ang nag o offer ng Portuguese dito sa Pinas, lagi pang
elementary levels lang dahil walang demand. So yun, naa acquire mo ang
language ikaw pa binabayaran. Yun na yun, so shut up na, ok!
Walang Kapalit: http://www.youtube.com/watch?v=D4swHuOq92Y
See the youtube trailer before they toss it out! Mukhang maganda!
Hehehe, telenovela addiction na naman ito. Fan kasi ako ng Milan e but
not necessarily of Claudine and Piolo, lol. Sabi nila ripoff daw ito ng
Devil Beside You ng Taiwan, let’s wait and see. Step-siblings falling
in love ang premise ng story. April/May ang pilot.
Future: Lagot
nagbabalik ang segment ng FUTURE. Napag isip isip ko lang kasi, may
trabaho na naman ako. Ok naman ang kinikita ko tapos flexible pa ang
shift. Siguro itutuloy ko na lang yung dating plano na mag second
degree in Econ after graduation. Kasi kino compute ko kung mag 18 units
ako per sem kaya ko tapusin ng one year e, sayang naman di ba? Ewan ko,
ito ang future goal of the day, lol.